UPDATE OF KATIPUNAN NG KABATAAN PROFILES ♂️♀️
Announcements Committee on Gender and Development Sep 01, 2026

UPDATE OF KATIPUNAN NG KABATAAN PROFILES ♂️♀️

Sa ika-28 ng Enero 2024, ganap na 8:00 ng umaga, magsisimula ang Sangguniang Kabataan ng Tibig sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar ng barangay para sa KK Profiling o pagtatala ng mga kabataang kwalipikadong mapabilang sa Katipunan ng Kabataan.

Ayon sa Republic Act No. 10742, ang Katipunan ng Kabataan ay binubuo ng mga Pilipinong 15 hanggang 30 taong gulang na lehitimong naninirahan sa barangay at rehistrado sa COMELEC o nasa rekord ng Kalihim ng SK.

Mahalaga ang KK Profiling upang magkaroon ang SK ng maayos at updated na talaan ng mga kabataan na maaaring maging benepisyaryo ng mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan.

Mayroon ding Google Form para sa profiling. Gayunpaman, upang matiyak ang maayos at kumpletong rekord, isasagawa ang pagsagot dito kasabay ng pag-iikot ng SK sa inyong lugar.

Abangan at hintayin ang Sangguniang Kabataan ng Tibig sa inyong lugar, mga kabataang Tibigeño! ❤️

#sangguniangkabataanngtibig2325
#katipunangkabataan2024
Comments
No comments yet.
0
👍 0 ❤️ 0 🤗 0 😮 0
💬 0
Login Register
⚠️ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.