+3
Activities Committee on Health, Health Services and Reproductive Health Apr 25, 2026

BAKUNA: FREE VACCINATION FOR YOUR PETS ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ

Noong Nobyembre 16, matagumpay na isinagawa ang Damayan sa Barangay 2023 sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Tibig. Naghatid ito ng ibaโ€™t ibang serbisyong pangkalusugan na libreng ipinagkaloob sa ating mga kabarangay.

Kabilang dito ang libreng bakuna para sa mga alagang hayop, bilang bahagi ng ating adhikain na mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng bawat tahanan.

Ang Sangguniang Kabataan ng Tibig ay naatasang umalalay at magbantay sa isinagawang pagbabakuna, katuwang ang mga eksperto upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng programa.

Lubos ang pasasalamat ng buong Sangguniang Kabataan ng Tibig sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa gawaing ito. Patuloy nating hangarin ang isang ligtas na pamayanan at mas ligtas na kapaligiran para sa ating mga alagang hayop. ๐Ÿถ๐Ÿฑ

#sangguniangkabataanngtibig2325
#bakuna
Comments
No comments yet.
โค๏ธ 1
๐Ÿ‘ 0 โค๏ธ 1 ๐Ÿค— 0 ๐Ÿ˜ฎ 0
๐Ÿ’ฌ 0
Login Register
โš ๏ธ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.