+6
Activities Committee on Environmental Protection Sep 06, 2026

TARPPALIT: Upcycled Ecobags kapalit ng mga Kalakal ♻️

Noong ika-20 ng Hunyo, 2025, naganap sa Mababang Paaralan ng Tibig ang pagpapalitan ng kalakal at upcycled ecobags sa pagitan ng Sangguniang Kabataan at mga magulang at mag-aaral.

Nakakolekta ang Sangguniang Kabataan ng iba't ibang uri ng kalakal na kanilang inilagay sa kanilang Plastic Bin. Kanila itong sinisinop upang sabay-sabay na maibenta sa junkshop at magamit ang salaping mapagbebentahan nito para sa iba pang Green Projects na nais pang isulong ng konseho ng Sangguniang Kabataan para sa Barangay Tibig.

Nais ipaabot ng Sangguniang Kabataan ang pasasalamat sa Mababang Paaralan ng Tibig sa pangunguna ni Sir Rich Andrew Reyes, Ulong Guro III, para sa pakikipagtulungan na maisakatuparan ang proyektong ito.

Dito na natatapos ang proyektong "The TRE3LOGY: Tatlong Magkakaugnay na Proyektong Pangkapaligiran" bilang pagdiriwang ng Sangguniang Kabataan ng Tibig sa Environment Month.

Sama-sama tayong maging kabalikat ng kalikasan, mga kabataan!

#TARPPALIT
#THETRE3LOGY
#sangguniangkabataanngtibig2325
Comments
No comments yet.
0
👍 0 ❤️ 0 🤗 0 😮 0
💬 0
Login Register
⚠️ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.