Announcements Committee on Environmental Protection Sep 06, 2026

TARPPALIT: Upcycled Ecobags kapalit ng mga Kalakal ♻️

LAYUNIN:
a. Maisulong ang pag-repurpose/upcycle ng mga tarpaulin waste.
b. Palaganapin ang konsepto ng “reuse” at “sustainable lifestyle” sa pamamagitan ng pagpalit ng mga kalakal (recyclables) kapalit ng mga gamit na kapaki-pakinabang.
c. Suportahan ang mga kabataang babae at ina sa komunidad na matutong manahi at lumikha ng ecobags bilang produkto ng SEWstain livelihood training.
d. Gantimpalaan ang mga mamamayan na nag-iipon ng tamang kalakal (plastic bottles, cans, paper, etc.) sa pamamagitan ng makabagong sistema ng palitan.

ANO ANG GAGAWIN SA MGA MALILIKOM NA KALAKAL?
a. Isegregate ang mga kalakal sa papel, plastik, bote, at karton upang mapadali ang pagproseso at pagbenta. Linisin ang mga bote, lata, at plastik upang masiguro na maayos ang kondisyon at tumanggap ang junkshop o recycling centers.
b. Dalhin ang mga kalakal sa accredited junkshop o itinalagang partner para sa pagbenta o pagproseso.
c. Ilaan ang kikitain mula sa mga naipong kalakal para sa pagpopondo ng iba pang green projects ng Sangguniang Kabataan.
d. Itala ang dami, uri, at kita mula sa kalakal para sa transparency at maaaring maging batayan sa pagpapalawak ng proyekto.

Magkita-kita po tayo mamaya, mga mamamayang Tibigeño!

#TARPPALIT
#THETRE3LOGY
#sangguniangkabataanngtibig2325
Comments
No comments yet.
0
👍 0 ❤️ 0 🤗 0 😮 0
💬 0
Login Register
⚠️ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.