GREEN TALK & DISCUSSION ๐ฃ๏ธ๐ฑ
Isang Talakayan patungkol sa Solid Waste Management at Epekto ng Global Warming at Climate Change
Environmental Education and Advocacy ng Sangguniang Kabataan ng Tibig 2023-2025
SULIRANIN:
Sa kasalukuyan, ang kakulangan sa kaalaman at kamalayan ukol sa mga isyung pangkapaligiran gaya ng solid waste management at epekto ng global warming at climate change ay hindi na dapat isinasawalang-bahala.
Ang limitadong pag-unawa sa mga epekto ng mga isyung ito ay maaaring magdulot ng kawalang-interes sa pakikiisa sa mga makakalikasan at pang-komunidad na inisyatiba. Bunga nito, nagiging hadlang ito sa maagang paghubog ng responsableng pananaw at gawi ng kabataan tungo sa pangangalaga sa kalikasan at sa kinabukasan ng kanilang henerasyon.
TARGET:
Ang seminar na GREEN TALK and Discussion ay nakatutok para sa mga mag-aaral ng Tibig Elementary School, partikular na ang mga nasa Intermediate Level (Grade 6).
Layunin nitong palawakin ang kanilang kaalaman hinggil sa mga isyung pangkapaligiran at hubugin ang kanilang kamalayan at responsibilidad sa pangangalaga sa kalikasan sa murang edad.
KAHALAGAHAN:
a. Nagbibigay ito ng malinaw at napapanahong impormasyon hinggil sa solid waste management, global warming, at climate change.
b. Tinuturuan ang mga kabataan ng wastong kaugalian sa pangangalaga ng kapaligiran sa murang edad.
c. Hinahamon ang kabataan na makilahok sa mga proyekto at adbokasiyang makakalikasan sa paaralan at komunidad.
d. Tumutulong sa paghubog ng isang henerasyong may kaalaman at kakayahang tumugon sa mga hamong dulot ng pagbabago ng klima.
#greentalk
#environmentmonth2025
#sangguniangkabataanngtibig2325

Comments
No comments yet.
Photo
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.