Announcements Committee on Environmental Protection Sep 06, 2026

REPRINT: Recycled Bottles palit sa Libreng Print ♻️

Para sa lahat ng mga kabataang Tibigeño na nangangailangan ng libreng Printing Services

Mga Katanungan:
Sino ang mga benepisyaryo ng LIBRENG PRINT?
- Ang mga benepisyaryo ng LIBRENG PRINT ay ang mga kabataang Tibigeño edad 15-30 taong gulang.

Anu-ano ang mga pwedeng i-print?
- Ang mga maaaring iprint ay mga assignments, projects, research paper, thesis paper, at resume o curriculum vitae.

Ano ang kinakailangang dalhin kung nais magpaprint?
- Kung ikaw ay nais magpaprint, magdala lamang ng limang (5) pirasong plastic bottles.

Ilan ang maaaring maiprint sa bawat isang benepisyaryo?
- Ang bawat benepisyaryo ay maaaring magpaprint mula 5-10 pahina upang mabigyang pagkakataon ang iba pang nais magpaprint.

Ilang kabataang benepisyaryo ang maaaring magpaprint kada araw?
- Ang maaaring magpaprint na kabataan kada araw ay lima (5) hanggang sampu (10) lamang.

Saan isesend ang mga files na ipapa-print?
- Ang mga files ay isesend thru messenger sa Official Facebook page ng Sangguniang Kabataan ng Tibig o hindi naman kaya ay sa personal account ng Sangguniang Kabataan officials. Tanging A4 at Legal size lamang ang available file sizes.

Para sa Kabatiran ng Katipunan ng Kabataan:
- Ang mga maiipong bote ay ibebenta sa Junk Shop at ang perang malilikom mula rito ay gagamitin sa dalawang layunin:

- Ipambibili muli ng mga bondpapers at inks upang magpapatuloy at umiikot ang serbisyong REPRINT.

- Makabili ng mga butong ipupunla sa ating Community Garden bilang pagtalima sa DILG Memorandum Circular 2023-001 o HAPAG o Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay Project.

Sa kabisaan ng mga layuning ito, mas maipapakita natin ang pagiging resourceful at pagmamalasakit ng mga kabataan sa kaniyang paligid. Maipupunla rin sa kanilang mga kaisipan hindi lamang ang importansya ng pangangalagang pangkapaligiran kundi maging ang kahalagahan ng kaalaman sa pagtatanim.

Pasasalamat kay Kagawad Jet Serrano sa pagpapahiram ng printer habang kasalukuyang ipinapagawa ang printer ng Sangguniang Kabataan ng Tibig.

#sangguniangkabataanngtibig2325
#reprint
Comments
No comments yet.
0
👍 0 ❤️ 0 🤗 0 😮 0
💬 0
Login Register
⚠️ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.