+6
KAYA MO BATO?: An Anti-Drug Awareness Seminar ๐ซ๐
Ika-22 ng Pebrero, 2025 - Sabado, MJM Resort Tibig Bulakan, Bulacan
Sa pamamagitan ng kolaboratibong ideya ng Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Tibig ay naisakatuparan ang matagal ng planong talakayan patungkol sa Anti-Drug Awareness.
Isang makabuluhang pagbati ang naring natin kay PltCol Gerald Gamboa bilang kinatawan ng ating Punongbarangay Kap. Maria Rosario L. Gamboa.
Mas napukaw ang atensyon ng mga tagapakinig nang magbahagi ng kaniyang karanasan si G. Leandro Osera, na isang dating reformist na nagbagong buhay at ngayon ay isa ng responsableng mamamayan na nakikibahagi sa mga gawaing pangkomunidad bilang siya ay kabilang sa isa sa mga aktibong Non-Government Organizations dito sa Barangay Tibig.
Matapos ang pagbabahagi ng testimonya ni G. Osera ay sinundan naman ng isang lektura ni PMSg Eduardo J. Isla, isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Anti-Drug Awareness and Proper Parenting and Excellent Value Education Advocate.
Lubos ang aming pasasalamat kay Konsehal Kapatid Benjo M. Cruz sa pagbibigay ng Libreng Merienda para sa mga kalahok.
Natapos ang talakayan sa ganap na ika-5 ng hapon.
Patuloy na paiigtingin ng Sangguniang Kabataan ng Tibig ang mga programang kontra droga.
#sangguniangkabataanngtibig2325
#antidrugawarenessseminar

Comments
No comments yet.
Photo
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.