PINTAkaSINING: Live Painting Competition ๐จ๐งโ๐จ
Para sa selebrasyon ng NATIONAL ARTS MONTH
Ika-23 ng Pebrero, Linggo, 8am โ Basketball Court ng Tibig
Bilang ang buwan ng Pebrero ay hindi lamang tungkol sa araw ng mga puso, nais din pagpokusan ng Sangguniang Kabataan ng Tibig ang isa pang kaganapan na ipinagdiriwang din sa buwan na ito, ang Buwan ng Sining.
Nais tindigan ng Sagguniang Kabataan ng Tibig ang adbokasiyang maka-alagad ng Sining upang mapayabong pa at mapaigting ang pagmamahal sa paglikha.
Kung kayo ay nais sumali, narito ang mga kwalipikasyon, proseso, at mekaniks:
KWALIPIKASYON:
1. Kinakailangan na ikaw ay lehitimong naninirahan sa Barangay Tibig Bulakan, Bulacan.
2. May karanasan sa pagpipinta o sa anumang uri ng pamamaraan ng paglikha ng isang sining.
PROSESO:
1. Magmessage lamang sa Official Facebook Page ng Sangguniang Kabataan ng Tibig o di kaya naman ay;
2. Makipag-ugnayan kay SK Chairperson Jay Jerome Salvador o sa kahit na sinong miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Tibig.
MEKANIKS:
1. Magkakaroon ng isang โsubjectโ sa gitna ng pook na pagdarausan ng paligsahan. Ang mga kalahok ay kinakailangang maipinta ang subject sa loob lamang ng itinakdang oras.
2. Ang mga kalahok ay may kalayaang mamili ng kanilag estilo sa pagpipinta. Halimbawa ng mga estilo:
(a) Realism
(b) Expressionism
(c) Abstract
(d) Cubism atbp.
3. Ang mga kalahok ay hindi maaaring kumausap ng kapuwa kalahok o hindi naman kaya ay gumawa ng anumang galaw o ingay na maaaring makapagdulot ng distraksyon hanggang hindi natatapos ang oras na itinakda.
4. Lahat ng art materials ay manggaling sa Sangguniang Kabataan ng Tibig. Hindi inoobliga ang mga kalahok na magdala ng kanilang sariling art materials subalit kung nais nilang magdala ay pahihintulutan ito ng komite.
Ang mga mapapanaluhan ng mga sasali ay ang mga sumusunod:
CHAMPION: Tropeyo, Sertipiko ng Pagkilala, Tatlong Libong Piso at Art Materials Set
2nd Place: Tropeyo, Sertipiko ng Pagkilala, Dalawang Libong Piso at Art Materials Set
3rd Place: Tropeyo, Sertipiko ng Pagkilala, Isang Libong Piso at Art Materials Set
Ang lahat ng lumahok ay bibigyan ng Sertipiko ng Pagkilala at Artist Hat ng Sangguniang Kabataan ng Tibig.
Kaya ano pang hinihintay nyo? Sali na!
#sangguniangkabataanngtibig2325
#pintakasining

Comments
No comments yet.
Photo
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.