Announcements Committee on Climate Change Adaptation, Disaster Risk Reduction and Resiliency Oct 24, 2024

PASKIL: KABATAAN, DAPAT ALAM MO! ๐Ÿ“ฃ

๐ŸŒง๏ธ ๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก ๐—•๐—”๐—š๐—ข, ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š, ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฌ๐—ข?

Committee on Environmental Protection, Climate Change Adaptation, Disaster Risk Reduction and Resiliency

Sa panahon ng kalamidad, mahalagang maging handa, alerto, at responsable. Narito ang ilang simpleng kaalaman at paalala na dapat tandaan ng bawat kabataan:

โ›ˆ๏ธ ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐——๐—จ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฌ๐—ข

๐Ÿ”น Maghanda ng First Aid Kit na may pangunahing pangunang lunas tulad ng gamot, bandage, alcohol, Betadine, at iba pang kinakailangang gamit.

๐Ÿ”น Maghanda rin ng Emergency Kit na naglalaman ng flashlight, ekstrang baterya, tubig, pagkain, pera, pito, at iba pang mahahalagang kagamitan.

๐Ÿ”น Siguraduhing may sapat na charge o power bank ang inyong mga cellphone at iba pang communication devices.

๐Ÿ”น Maging aktibo sa pagsubaybay at pagbabahagi ng opisyal na weather updates at emergency advisories.

๐Ÿ”น Alamin at i-save ang mga emergency hotline na maaaring tawagan kung kinakailangan.

๐ŸŒช๏ธ ๐—›๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฌ๐—ข

๐Ÿ”น Manatili sa loob ng ligtas na lugar at iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.

๐Ÿ”น Regular na subaybayan ang mga balita at opisyal na anunsyo sa telebisyon, radyo, o online.

๐Ÿ”น Huwag lumusong sa baha upang maiwasan ang panganib, aksidente, at mga sakit na maaaring idulot nito.

๐Ÿ”น Huwag magpakalat ng fake news o hindi beripikadong impormasyon. Sa panahon ng kalamidad, maging responsable sa bawat impormasyong ibinabahagi.

๐ŸŒค๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฌ๐—ข

๐Ÿ”น Manatili muna sa ligtas na lugar at hintayin ang opisyal na abiso bago lumabas.

๐Ÿ”น Alamin ang mga pinakabagong pangyayari at updates sa inyong pamayanan.

๐Ÿ”น I-report agad ang mga naputol o nakalaylay na kable at iba pang panganib sa paligid.

๐Ÿ”น Maging maingat sa pagsuri sa inyong tahanan at paligid para sa posibleng pinsala.

โš ๏ธ ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก!

Kung alam ninyong maaaring maapektuhan ng matinding pagbaha o iba pang panganib ang inyong lugar, lumikas nang maaga sa pinakamalapit na evacuation center ayon sa abiso ng mga awtoridad.

Mas mabuting maging handa kaysa magsisi sa huli.
Ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat. ๐Ÿค

๐Ÿ“ž ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ

๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—ก๐—ฃ
0944-750-4812
0998-598-5372

๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก
0951-836-0294
0955-288-2955

๐—•๐—™๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก
(044) 792-1407
0945-107-0788

๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ (๐—ฅ๐—›๐—จ)
0931-006-8118
0906-591-1834

๐—š๐—ฅ๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐—›. ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—›๐—ข๐—ฆ๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—Ÿ
(044) 792-0119
(044) 792-0745

๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—–๐—จ๐—˜ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜
0991-657-6063

๐Ÿ“Œ Para sa iba pang emergency information, bisitahin ang Emergency Hotline post ng Sangguniang Kabataan ng Tibig.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

#SangguniangKabataanNgTibig #KabataanDapatAlamMo #AlertoSigurado #DisasterRiskReduction #ClimateAction #KabataangTibig
Comments
No comments yet.
0
๐Ÿ‘ 0 โค๏ธ 0 ๐Ÿค— 0 ๐Ÿ˜ฎ 0
๐Ÿ’ฌ 0
Login Register
โš ๏ธ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.