+4
Activities Committee on Sports Development Sep 05, 2026

BALIK TANAW | SUMMER LEAGUE 2024 OPENING CEREMONY ๐Ÿ€๐Ÿ

Matagumpay na binuksan ang SUMMER LEAGUE 2024 ng Barangay Tibig, isang programa ng Sangguniang Kabataan ng Tibig na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing pampalakasan at recreational activities.

Binubuo ito ng dalawang pangunahing isportsโ€”Basketball at Volleyballโ€”na nilahukan ng tatlumpuโ€™t anim (36) na koponan mula sa magkahalong disiplina.

Sa araw ng pagbubukas, naging saksi ang Basketball Court ng Tibig sa masiglang pagdalo at pakikiisa ng mga kabataan, na nagpapakita ng kanilang matinding pagmamahal sa sports at aktibong pamumuhay.

Patuloy na itataguyod ng Sangguniang Kabataan ng Tibig ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na mahasa ang kanilang talento, mapalakas ang camaraderie, at higit sa lahat, magkaroon ng makabuluhang paggamit ng kanilang oras.

Maraming salamat sa ating mga lingkod-bayan, katuwang, at lahat ng nagpaabot ng tulong at suporta upang maisakatuparan ang programang ito.

Sama-sama nating buhayin ang diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at kabataang aktibo! ๐Ÿ€๐Ÿ

#SummerLeague2024 #SKTibig #BarangayTibig #SportsDevelopment #KabataangTibig
Comments
No comments yet.
0
๐Ÿ‘ 0 โค๏ธ 0 ๐Ÿค— 0 ๐Ÿ˜ฎ 0
๐Ÿ’ฌ 0
Login Register
โš ๏ธ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.