+6
Activities Committee on Health, Health Services and Reproductive Health Sep 04, 2026

COOKING INA 2024๐Ÿง‘โ€๐Ÿณ๐Ÿ”ช

Ika-28 ng Agosto, 2024 โ€” Miyerkules, Chops and Board Tibig Bulakan, Bulacan

Kaninang umaga ay naganap ang paligsahan ng mga young moms na miyembro ng katipunan ng kabataan.

Nilahukan ito ng anim (6) na mahuhusay na nanay:
Angie Sulit Devadilla
Maria Fe Angoy
Sarah Gajela
Paula San Felipe
Mira May Bueno
KC Ignacio

Gamit ang main dish na "bangus" bilang ang pangingisda ang pangunahing ng mga residente ng ikinabubuhay ng Barangay Tibig, nakagawa sila ng masasarap na putahe gamit ang pangunahing sangkap na ito.

Ang mga nilutong putahe ng kalahok ay masusing inobserbahan at krinitik ng mahuhusay nating mga hurado na sina Igg. Katrina Paula Policarpio, SK Chairperson ng Perez, Ate Princess Lava bilang kinatawan ni Dra. Ana Lea Lava, at si Tita Bern M. Coronel na may-ari ng puwestong pinagganapan ng paligsahan.

Ang mga nagsipagwagi sa paligsahan ay sina:
Angie Sulit Devadilla - Champion โ€” Cooking Ina 2024
Sarah Gajela - 2nd Place โ€” Cooking Ina 2024
Maria Fe Angoy - 3rd Place โ€” Cooking Ina 2024
Paula San Felipe - Best in Plating (Special Award)
Sarah Gajela - Pinakamasarap na Lutong Nanay Award (Special Award)

Buong pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Tibig sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Sa Sangguniang Barangay ng Tibig lalo't higit kina Kons. Raffu Malixi at Kons. Anna Carreon na nakasama namin kanina at hindi kami iniwan mula simula hanggang matapos ang paligsahan, kay Kons. Jetro Ray Serrano na nakatuwang naming mamili ng mga sangkap na gagamitin.

Sa nagpahiram ng venue, Tita Bern at Sir Arch, walang humpay na pasasalamat po, kundi dahil sa inyo ay hindi maisasakatuparan ang proyektong ito, maging sa mga staffs ng Chops and Board.

Ang ika-apat na proyekto ng Sangguniang Kabataan para sa Linggo ng Kabataan ay natapos ng matagumpay. Inaasahan po namin na sasamahan niyo pa kami sa tatlong natitirang proyektong handog namin para sa inyo, Kabataang Tibigeรฑo.

#cookingina2024
#linggongkabataan2024
#sanggunianngkabataanngtibig2325
Comments
No comments yet.
0
๐Ÿ‘ 0 โค๏ธ 0 ๐Ÿค— 0 ๐Ÿ˜ฎ 0
๐Ÿ’ฌ 0
Login Register
โš ๏ธ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.