Announcements Committee on Health, Health Services and Reproductive Health Aug 06, 2024

COOKING INA 2024 ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿด

Isang paligsahan para sa mga young mom na miyembro ng Katipunan ng Kabataan bilang paggunita sa nagdaang BUWAN NG NUTRISYON 2024.

Kwalipikasyon:
a. Ang mga kalahok ay limitado lamang sa edad 18-30 years old.
b. Para lamang ito sa mga ganap na ina/nanay.
c. Para lamang ito sa mga miyembro ng Katipunan ng Kabataan ng Barangay Tibig.

Paraan ng Pagsali:
Makipag-ugnayan lamang po kina
SK Chairperson Jay Jerome Salvador
Committee Chairman of Health Wilkins M. Bautista
Kagawad Anna Theresa M. Carreon

Ang unang walong (8) entries na magreregister lamang ang magiging opisyal na kalahok ng ating paligsahan.

Karagdagang Impormasyon:
Saan gaganapin ang Cooking Ina 2024?
Ang paligsahan ay gaganapin sa Chops & Board sa Purok 4 Tibig Bulakan, Bulacan.

May gagastusin ba ang mga sasaling kalahok?
WALA. Ang mga kalahok ay walang gagastusin. Ang mga sangkap na kanilawng lulutuin ay magmumula sa Sangguniang Kabataan ng Tibig.

Ano lamang ang kailangan ihanda ng mga kalahok?
Ang mga kalahok ay kinakailangan lamang magdala ng mga sumusunod na kagamitan:
(a) Kawali
(b) Pinggan na paglalagyan ng mga niluluto
(c) Sandok
(d) Iba pang kagamitang panluto

Ang Chops and Board ang magpapahiram ng lutuan/stove na paglulutuan ng mga sasali.

MGA MAKAKAMIT:
1st Place
- Grocery Packs worth Php 1,000.00
- Plake ng Pagkilala
- Sertipiko ng Pagkilala

2nd Place
- Grocery Packs worth Php 700.00
- Plake ng Pagkilala
- Sertipiko ng Pagkilala

3rd Place
- Grocery Packs worth Php 500.00
- Plake ng Pagkilala
- Sertipiko ng Pagkilala

Ang lahat ng mga kalahok ay magkakaroon ng Consolation Prizes at sertipiko ng pakikilahok + vouchers.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? SALI NA!

#CookingIna2024
#LinggongKabataan2024
#sangguniangkabataanngtibig2325
Comments
No comments yet.
0
๐Ÿ‘ 0 โค๏ธ 0 ๐Ÿค— 0 ๐Ÿ˜ฎ 0
๐Ÿ’ฌ 0
Login Register
โš ๏ธ Registered accounts lang ang pwedeng mag-react at mag-comment.
Login or Register
iPhone/iPad: Tap Share then Add to Home Screen.